Litratong Pinoy 0905 » Lila (Violet)

Dahil may mga raket kaming pinagkaka-abalahan, muntikan ko nang makalimuta na Huwebes pala ngayon. Paumanhin sa mga litratistang pinoy, heto na ang aking lahok para sa linggong ito.

Heto si Tifa, suot at lilang panlamig habang nakikipag-lambutsingan kay Vincent, anak ng isang Sweden national sa isang Pinay. Kuha ito noong ika-26 ng Disyembre habang kami’y naghihintay sa eroplanong aming sasakyan pabalik ng Pilipinas. Ang lilang panlamig na ito ay pamaskong regalo kay Tifa mula sa isa sa mga kaibigan namin sa Kunshan.

Ito ang aking lahok sa lingguhang Litratong Pinoy para sa temang Lila (Violet).

11 comments for Litratong Pinoy 0905 » Lila (Violet)

she’s so luvly in lila:) KK, paano ba yan may boyfriend na dalaginding mo? hehe

*kaway kaway* hapi huwebes!

at tsaka, Kung Hei Fat Choi pala! :)

by cheh on January 30, 2009 at 1:03 am. Reply #

cheh, puppy love pa lang yan. pero wag syang magkakamali, hahaha.

by Kotsengkuba on January 30, 2009 at 4:22 pm. Reply #

inggit naman so sweet, cute-cute nila hehhee…

peterahon’s last blog post..Desperately Seeking An Obama but Missing Obama’s Message

by peterahon on January 31, 2009 at 12:25 pm. Reply #

oy ako may lahok din
http://homeworked.blogspot.com/2009/01/purple-baywalk-bodies.html

ano kaya pinagkaka-abalahan mo, hehe

kengkay’s last blog post..pinatalsik sa trabaho dahil sa tabo

by kengkay on January 31, 2009 at 10:04 pm. Reply #

hahah cute couple este…cute ng mga bata. :)

she is so adorable. :)

Happy LP (sorry late na hehehe)

by jeanny on February 1, 2009 at 7:30 pm. Reply #

kay kyut na mga bata! hehehe….naku KK, bagay din sila ng anak ko – tisoy din yun! ;)

Snow’s last blog post..Bloggery Buzz of the Week (02.01.2009)

by Snow on February 2, 2009 at 11:41 am. Reply #

Ha! ha! ha! Look at their faces especially your dalagita’s , talagang lambingan sila..cute!!

by Thess on February 3, 2009 at 4:49 am. Reply #

musta ka na KK? tagal ko di nadalaw site mo. umuwi ka din pala sa pinas? sayang di tayo nagkita dahil nakarating din ako sa tagaytay after nuyir.

madbong’s last blog post..Bandar Seri Begawan

by madbong on February 3, 2009 at 6:56 pm. Reply #

saglit lang ako dun, mga 6 days lang. bumalik din ako dito ng january 1. kumusta jan, nakabalik na kayo ng aotearoa?

by Kotsengkuba on February 3, 2009 at 7:40 pm. Reply #

ano namang raket kaya yun? hehehe.. teka, ang cute nila.. :)

by walongbote on February 8, 2009 at 11:10 am. Reply #

uy lila din ung charcter sa death note na nasa ads mo :D Cute naman ni Tifa! Nasaan so Cloud? :D Happy (late) LP!

by g_mirage2 on February 14, 2009 at 2:27 am. Reply #

Leave your comment

Required.

Required. Not published.

If you have one.