Litratong Pinoy 0906 » Bulaklak

Ilang linggo rin akong hindi nakapagtala ng lahok para sa lingguhang Litratong Pinoy sa kadahilanang ako ay naging abala sa aking paghahanda at pag-eempake ng aking mga abubot dahil ako nga ay umuwi na ng Pilipinas mula bansang Tsina (ehem… LP admin, hindi na po Tsina ang aking bansa kundi Pilipinas na ;-) ).

Bulaklak ng Cake

Bulaklak ng Cake

Ang buwan ng Pebrero ay buwan ng pag-ibig maging sa pag-aadik ng mga litratista ng Litratong Pinoy kaya naman ang mga tema para sa buwang ito ay pawang mga may kinalaman sa pagmamahal at pagmamahalan – tsokolate, puso, tipanan – kung kaya naman ang tema para sa huling Huwebes ng buwang ito ay patungkol din sa pag-iibigan: BULAKLAK

Bagamat ang bulaklak na tinutukoy sa temang ito ay ang mga bulaklak na ibinibigay at tinatanggap ng mga mag-sing-irog, ang aking lahok ay isang makapag-bagbag damdaming BULAKLAK NG CAKE. HAHAHA!!!

Madre Cacao

Madre Cacao

Heto pa ang isang larawan ng bulaklak – BULAKLAK NG KAKAWATE!!!

Ang kakawate o madre cacao ay isang halamang gamot. Noong nabubuhay pa ang aking asong si Hachi (isang labrador), naglalago ako ng dahon nito ay ipinampapaligo sa kanya dahil sabi ng aking mahal na Ina, ito daw ay mabisang pampaalis ng galis dulot ng mga pesteng garapata.

Maligayang Huwebes sa inyong lahat, nawa’y napuno kayo ng pagmamahal sa kabuuan ng buwan ng mga puso at pag-ibig.

24 comments for Litratong Pinoy 0906 » Bulaklak

:) masarap nga naman itong klaseng bulaklak! :) hahah.

happy huwebes ka-LP!

ito naman ang aking lahok: http://sunshinearl.com/2009/lp-bulaklak-flower/

by arls on February 26, 2009 at 1:18 am. Reply #

paborito kong kainin ang mga bulaklak ng cake! :D

by kathycot on February 26, 2009 at 1:26 am. Reply #

Yan ang bulaklak na hindi ko uurungan! pakisamahan na rin ng cake, pwede kuya? :D

effective ba sa aso talaga?

by Thess on February 26, 2009 at 3:51 am. Reply #

effective naman sya ate kase gumagaling naman agad yung mga sugat. basta yun yung pinangbabanlaw nya after maligo ;-)

by Kotsengkuba on February 27, 2009 at 3:19 pm. Reply #

Ay masarap iyang bulaklak na nasa cake!

Ngayon ko lamang nalaman ag tungkol sa madre cacao. Salamat sa impormasyon.

by sassy mom on February 26, 2009 at 5:33 am. Reply #

Mocca cake ano? Yummmm!!! Nakalimutan ko na hitsura ng mga bulaklak ng kakawate aba salaamt naalala ko naman sa pgkakita dito. Happy LP!

by Gizelle on February 26, 2009 at 6:11 am. Reply #

Nasa Lupang Hinirang ka na pala muli, KK – maligayang pagbabalik! :)

Naalala ko yung kakawate dahil nung bata ako, gawa mula sa mga tangkay niyan yung bakod ng unang bahay namin – believe-it-or-not!!! Hahaha! :)

Sarap naman ng mga bulaklak sa cake ni Em-Em – penge!

by Pinky on February 26, 2009 at 7:07 am. Reply #

lagi kong kinukuha ang mga bulaklak sa cake. hahaha

eto ang aking lahok: http://olapaula.com/2009/lp-02262009-bulaklak/

by Paula on February 26, 2009 at 8:29 am. Reply #

nice… happy thursday… :)

by lino on February 26, 2009 at 8:55 am. Reply #

yan talaga ang sweet na bulaklak!:D may bulaklak pala ang kakawate…

by luna miranda on February 26, 2009 at 11:23 am. Reply #

anti-galis pala ang kakawate. aus. hehehe

bulaklak ng cake – yan ang unang tinitira ko sa cake hahaha mmmm

eto naman ang aking lahok:
LP #47

HAPPY LP!!

by yeye on February 26, 2009 at 7:08 pm. Reply #

Paborito ko ang cake, may bulaklak man o wala. :)

by Lynn on February 26, 2009 at 9:05 pm. Reply #

na-miss ko na yang klase ng matamis na bulaklak na iyan! at ang ganda ng kakawate:)

by ces on February 26, 2009 at 9:38 pm. Reply #

Happy LP!

by peachy on February 26, 2009 at 10:57 pm. Reply #

Yan ang paboritong parte ng mga bata sa cake, ang bulaklak. Tapos nun, aray ko,masakit ang lalamunan nila :D

Em-em,penge ng cake :D

by julie on February 26, 2009 at 11:55 pm. Reply #

ay! sama ako sa Pinas. sarap mo naman. ok ang bulaklak mo…kakaiba pero masarap pa ding makatanggap ng ganyan…yummmmmy!

ang aking mga bulaklak at ang mga talulot nito ay nasa Reflexes at Living In Australia

by RoseLLe on February 27, 2009 at 10:58 am. Reply #

kakaibang bulaklak iyan at nakakain. maligayang LP sa iyo. :)

by Marites on February 27, 2009 at 1:22 pm. Reply #

ay gusto ko yang edible bulaklak na yan. Unang nauubos yan kapag may uwi akong cake

by HiPnCooLMoMMa on February 27, 2009 at 3:05 pm. Reply #

pahingi nang cake pls :D

mula sa puso eto aken lahok

magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)

Jay’s last blog post..Pinoy Street Food # 18: Cheese Sticks

by Jay on February 28, 2009 at 10:39 am. Reply #

guato ko nyang madre de cacao!

by iRonnie on March 2, 2009 at 9:46 pm. Reply #

bakit, may galis din mga aso mo ;-)

by Kotsengkuba on March 2, 2009 at 10:00 pm. Reply #

pareho nga tayong bulaklak sa cake ang lahok! yung akin nga lang e ako ang gumawa. hee hee. :)

Munchkin Mommy’s last blog post..Happiness is…

by Munchkin Mommy on March 4, 2009 at 12:47 pm. Reply #

:) :D ;) :P :*

by Acacia on May 15, 2010 at 3:13 pm. Reply #

:P

by Acacia on May 15, 2010 at 3:13 pm. Reply #

Leave your comment

Required.

Required. Not published.

If you have one.