Litratong Pinoy 0908 » Polo/Blusa at Paboritong Alahas

Huli man daw at magaling, hahabol parin. Kaya naman heto ang aling pahabol na lahok sa lingguhang Litratong Pinoy para sa temang Blusa/Polo at Paboritong Alahas.

Polo, blusa at paboritong alahas

Sa pagkaka-intindi ko, ang blusa ay tulad din ng polo na may bukas sa bandang harapan na isinasara sa pamamagitan ng mga butones. Pero wala akong blusa o polo kaya naman ipinilit ko nalang itong si Wang Ba Dan sa kanyang kasuotang hindi ko alam kung anong tawag.

Ang relos naman sa larawan ay binili ko noong taong 2004 sa mga bangketa ng Akihabara sa Japan. Sa aking pagkakatanda, nabili ko lamang ito sa halagang 2,000 yen o humigit-kumulang sa 800 piso noong mga panahong ‘yon.

Leave your comment

Required.

Required. Not published.

If you have one.