Posts Tagged “clothes”
One night, sometime in April of this year, I was waiting for my wife to arrive while I’m inside a 7-11 outlet in Quirino. And I was counting… 10 out of 10 men wearing this kind of checkered walking shorts were either gay or paminta (pa-men, baklang nagpapanggap na lalake).

Now tell me if my samples were not enough. I’ll be counting for more.
Photo is copied, cropped and edited from the original source. Thanks to that Atenean site for the photo because I can’t find my own shots on my hard drives.
Yes, hard driveS.
Huli man daw at magaling, hahabol parin. Kaya naman heto ang aling pahabol na lahok sa lingguhang Litratong Pinoy para sa temang Blusa/Polo at Paboritong Alahas.

Sa pagkaka-intindi ko, ang blusa ay tulad din ng polo na may bukas sa bandang harapan na isinasara sa pamamagitan ng mga butones. Pero wala akong blusa o polo kaya naman ipinilit ko nalang itong si Wang Ba Dan sa kanyang kasuotang hindi ko alam kung anong tawag.
Ang relos naman sa larawan ay binili ko noong taong 2004 sa mga bangketa ng Akihabara sa Japan. Sa aking pagkakatanda, nabili ko lamang ito sa halagang 2,000 yen o humigit-kumulang sa 800 piso noong mga panahong ‘yon.
Dahil may mga raket kaming pinagkaka-abalahan, muntikan ko nang makalimuta na Huwebes pala ngayon. Paumanhin sa mga litratistang pinoy, heto na ang aking lahok para sa linggong ito.
Heto si Tifa, suot at lilang panlamig habang nakikipag-lambutsingan kay Vincent, anak ng isang Sweden national sa isang Pinay. Kuha ito noong ika-26 ng Disyembre habang kami’y naghihintay sa eroplanong aming sasakyan pabalik ng Pilipinas. Ang lilang panlamig na ito ay pamaskong regalo kay Tifa mula sa isa sa mga kaibigan namin sa Kunshan.

Ito ang aking lahok sa lingguhang Litratong Pinoy para sa temang Lila (Violet).
