Hello Philippines, Hello world! Welcome me back in Litratong Pinoy. Muli na naman akong nakasabay sa pag-arangkada ng mga litratistang Pinoy kaya naman heto at nagambala na naman ang aking digital baul ng mga larawan. Marami akong maaaring ilahok sa “weekly challenge” para sa linggong ito kaya naman sa sobrang dami ay wala akong mapili.
Kaya naman heto at sariwang-sariwa, fresh from the memory card.
Hudyat, panggalan. Maraming maaaring ipakahulugan ang salitang ito depende sa pagkakagamit sa isang pangungusap. Ang tunog ng tambol ay hudyat ng pagsisimula ng kasiyahan. Ang muling paghuni ng ibong tarat ay hudyat ng paglisan ng tag-ulan at paparating na tag-araw. Ang pagdating ng mga buwang nagtatapos sa “-ber” ay hudyat ng mahabang pagdiriwang ng ka-Paskuhan sa Pilipinas.
Para sa linggong ito, ang pag-ilaw ng munting LED na ito ay hudyat ng pag-ON sa wireless LAN ng aking laptop na si Doraemon.
Tuklasin ang iba pang hudyat mula sa iba’t-ibang larawang hatid ng mga litratista ng Litratong Pinoy.
Tags: electronics, Litratong Pinoy, wifi



.png)


No comments
Comments feed for this article
Trackback link: http://www.kotsengkuba.com/hudyat/trackback/