Posts Tagged “Litratong Pinoy”

LP0960 Paskong Pinoy

Paskong Pinoy

Kahanay ng bibingka’t salabat, ang puto bumbong ay ilan sa mga pagkaing hindi mawawalan ng eksena sa pagsapit ng panahon ng kapaskuhan. Lalo na sa kabuuan ng simbang gabi, hindi umuuwi ng bahay ang mga deboto nang walang bitbit na bibingka at puto bumbong.

Ito ang aking kontribusyon sa weekly challenge ng Litratong Pinoy na may temang Paskong Pinoy.

And here’s our LP roundup for last week’s challenge, Hiling.

Read the rest of this entry »

LP0959 Hiling

Hiling

Marami ang humihiling
Di naman tumataya

This is our (hopefully-not-so-late-)entry for this week’s theme, Hiling and here’s our LP Roundup for the previous week’s theme Hudyat, in no particular order:

Read the rest of this entry »

LP0949 Hudyat

Hello Philippines, Hello world! Welcome me back in Litratong Pinoy. Muli na naman akong nakasabay sa pag-arangkada ng mga litratistang Pinoy kaya naman heto at nagambala na naman ang aking digital baul ng mga larawan. Marami akong maaaring ilahok sa “weekly challenge” para sa linggong ito kaya naman sa sobrang dami ay wala akong mapili.

Kaya naman heto at sariwang-sariwa, fresh from the memory card.

Hudyat, panggalan. Maraming maaaring ipakahulugan ang salitang ito depende sa pagkakagamit sa isang pangungusap. Ang tunog ng tambol ay hudyat ng pagsisimula ng kasiyahan. Ang muling paghuni ng ibong tarat ay hudyat ng paglisan ng tag-ulan at paparating na tag-araw. Ang pagdating ng mga buwang nagtatapos sa “-ber” ay hudyat ng mahabang pagdiriwang ng ka-Paskuhan sa Pilipinas.

Para sa linggong ito, ang pag-ilaw ng munting LED na ito ay hudyat ng pag-ON sa wireless LAN ng aking laptop na si Doraemon.

wifi

Tuklasin ang iba pang hudyat mula sa iba’t-ibang larawang hatid ng mga litratista ng Litratong Pinoy.